Pro Choice Halimbawa

Pro choice halimbawa

Ang pro-choice ay isang mapanindigang pagtayo sa isang panig sa ilang isyu. May pinaglalaban sila na kasingbigat din ng kabilang panig. Tumagal na ang isyu na ito at wala pa ding naaalis ang panig na ito.

Mga halimbawa ng pro-choice:

1. Ang isa ay mayroong access sa mga contraceptives upang magkaroon siya ng malawak na pagpapasya sa pagpapamilya. Pag-aalis nito sa merkado ay pag-alis din mismo ng karapatan niya tungkol sa malayang kalooban.

2. Ang isa ay legal na magagawa kung  nais niyang magpa-abort dahil sa ilang kalagayang medikal. Halimbawa ay ang kritikal na kalagayan ng ina kung ipagpapatuloy niya ang pagbubuntis. O di kaya naman ay ang paitunang depekto na nalaman nila sa fetus.

3. Ang isa ay may karapatan na tapusin na ang kaniyang paghihirap sa pamamgitan ng mercy killing. Dahil hindi na mapipigilan ang kamatayan, gusto na lamang niyang tapusin ang pagdurusa.

Ang mga nabanggit ay mga isyu pa din lalo na sa mga konserbatibong mga bansa. Pero bagaman may mga partido sa pro-choice, pareho sila ng kabilang panig na naniniwalang may pamantayan. Pero ang lahat ng pagpili ay laging may resulta. Hindi ito nababago  dahil sa nagbabago na mga opinyon at pagbabago ng moralidad sa pangkalahatan. Ang tama at mali ay may resulta na natural na kayarian.


Comments

Popular posts from this blog

Anu Anong Bansa Ang Nagsagawa Ng Neokolonyalismo At Ano Ang Tunay Na Layunin Nila?

Kabanata 42 Tauhan?

Kabanata 10 Pinakamaiksing Buod Ng Noli Me Tangere