Ano Ang Palatandaan Ni Simoun Sa Pagiging Dukha Ng Isang Bayan Noon

Ano ang palatandaan ni simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon

El Filibusterismo

Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta

Simoun

Ang naging palatandaan ni Simoun sa pagiging dukha ng isang bayan noon ay ang pari sa bayan. Kapag ang pari ay isang pilipino ibig sabihin nito ang paroko ay mahirap o dukha. Kapag kastila naman ang kura na nakatalaga rito ang bayang ito ay mayaman. Katunayan, kapag ang bayan ay may maliit na kita, pilipino ang itinatalagang kura sa bayang ito at sa oras na ito ay umunlad o nagkaroon ng malaking kita, pinapalitan ng kura ng isang paring kastila. Ang sistemang ito ay patunay lamang ng malaking pagkakaiba ng kastila sa mga pilipino. Ang pagkakaiba ay pilit na isinisiksik sa utak ng mga pilipino na ang mga kastila ay mayaman samantalang ang mga pilipino ay dukha.

Ang kaisipang ito ay nagdulot ng malaking epekto sa mga pilipino. Dahil sa diskriminasyon sa pagitan ng mga pilipino at kastila, inisip ng mga pilipino na kailangan nilang maging tulad ng kastila upang tratuhin ng mabuti ng lipunan. Kung minsan nga hinangad pa nila na higitan ang mga kastila at naging masyadong bukas sa impluwensyang banyaga sapagkat ito lamang ang nakikita nilang paraan upang umunlad at irespeto. Nakakalungkot isipin na kailangan nilang magpasikat sa sarili nilang bayan upang hindi sila tapak tapakan ng mga banyaga.

Read more on

brainly.ph/question/532387

brainly.ph/question/2088454

brainly.ph/question/2134936


Comments

Popular posts from this blog

Anu Anong Bansa Ang Nagsagawa Ng Neokolonyalismo At Ano Ang Tunay Na Layunin Nila?

Pro Choice Halimbawa

Kabanata 42 Tauhan?