Ano Po Yung Buod Ng Payo Ng Guro Sa Florante At Laura

Ano po yung buod ng PAYO NG GURO sa florante at laura

Buod ng Payo ng Guro sa Florante at Laura      

Ang unang sulat na natanggap ni Florante sa amang si Briseo ay ang pagkamatay ng kanyang ina na lubos niyang ikanalungkot. Matapos ang dalawang buwan nakatanggap muli ng sulat si Florante sa kanyang ama subalit may kasama na itong sampung sasakyan na panundo patungong Albanya. Bago umuwi si Florante pinayuhan siya ni Atenor sa mga kilos ni Adolfo at iba pang tao na maaaring makapagpahamak sa kanya. Ang pag-alis ni Florante ay ikinalungkot ng buong kamag-aaral nito lalo na ng matalik na kaibigan niya na si Menandro. Ngunit pinayagan ng gurong si Atenor si Menandro at kamag-aaral na sumama kay Florante. Inihatid ng Atenor sina Florante sa barkong mabilis kung ituring ni Florante.

   Pagkarating ng Albanya ay agad na nagtungo sina Florante sa ama nitong si Briseo. Labis na katuwaan ang kanilang nadama ng silay magkita. Ito ay namasdan ng embahador ng Crotona na pinagmulan ng ina ni Florante na si prinsesa Floresca.

   Ang araling ito ay tumutukoy sa lahat ng tao na maaari nating pagkatiwalaan at hindi. Mahalagang maging matlino tayo sa lahat ng panahon upang hindi tayo dumanas ng hirap mula sa maling tao.

Para sa karagdagang impormasyon:

brainly.ph/question/551125

brainly.ph/question/2122385

brainly.ph/question/547845


Comments

Popular posts from this blog

Anu Anong Bansa Ang Nagsagawa Ng Neokolonyalismo At Ano Ang Tunay Na Layunin Nila?

Kabanata 42 Tauhan?

Kabanata 10 Pinakamaiksing Buod Ng Noli Me Tangere