Ano Ang Nangyari? Ikwento Ang Magagandang Bagay Na Nangyari. Paano Ito Naganap? Ano Ang Inyong Ginawa?

Ano ang nangyari? Ikwento ang magagandang bagay na nangyari. Paano ito naganap? Ano ang inyong ginawa?

Answer:

Kaming lahat na magkakaibigan ay lubos na nagkakaunawaan.

Explanation:

Sa una, akala ko maayos na kaming magkakaibigan dahil mayroon kaming pagkakapareho sa interes, mga libangan at laro, at madami pang iba. Nang dahil dito, madali kaming nagkagaanan ng kalooban. Ngunit habang tumatagal ang aming samahan, nabubuo na rin ang mga hindi pagkakaintindihan, mga pikunan, at mga away away. Mahirap kalabanin ang kaibigan, lalong lalo na kung madami na kayong pinag samahan. Ngunit wala namang relasyon na perpekto. Kaya kailangan tanggapin na mayroon pa rin kaming pagkakaiba sa pananaw sa buhay. May mga oras na magkasalungat ang aming mga opinyon tungkol sa isang bagay. Kaya para hindi na lumawak pa ang aming iringan, at para rin hindi na lumalim pa ang aming mga sama ng loob, nirerespeto namin ang opinyon ng bawat isa. Nililinaw namin sa isat isa na ito ay opinyon lang naman namin at hindi namin ito kailangan ipagsiksikan sa paniniwala ng iba. Sa ganoong paraan, kami ay nagkakaunawaan ng walang pikunan at walang natatapakan na ibang tao. Habang lumalawak ang aming pag iintindihan, lumalalim din ang aming pagkakaibigan. Mas tumatatag ang aming samahan sa bawat kapatawaran na ibinibigay sa bawat isa.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang link sa ibaba:

brainly.ph/question/2239426


Comments

Popular posts from this blog

Anu Anong Bansa Ang Nagsagawa Ng Neokolonyalismo At Ano Ang Tunay Na Layunin Nila?

Kabanata 42 Tauhan?

Kabanata 10 Pinakamaiksing Buod Ng Noli Me Tangere