Sino Sino Angpangunahing Tauhan Sa Akdang Tulalang
Sino sino angpangunahing tauhan sa akdang tulalang
Mga Karakter sa Epiko ni Tulalang
Tulalang
Ang pangunahing karakter sa epiko na isang binata na mayroon kapangyarihan at mga kagamitan na mahiwaga.
Mangampitan
Kapatid na lalake ni Tulalang na tumulong sa pakikipaglaban niya kay Agio.
Minalisin
Kapatid na lalake ni Tulalang na tumulong sa pakikipaglaban niya kay Agio.
Kapatid na babae nina Tulalang
Isang napakaliit na babae na ang kapangyarihan ay magtanim ng mahiwagang mga rosas na magbibigay senyales kapag may kalaban.
Agio
Unang kalaban ni Tulalang na napagalaman pinsan pala nila.
Macaranga
Ang babaeng iniligtas at pinaghainan ng pag-ibig ni Tulalang. Siya ay isang prinsesa sa isang kaharian sa kalangitan.
Hari ng mga Bagyo (at ang mga kawal nito)
Mananalakay sa Kulaman at nakatunggali nila Tulalang. Sila ay sumuko rin naman at nagpasakop kay Tulalang
isang matanda
Ang matanda na nakilala ni Tulalang sa gubat na siya rin nagbigay ng basbas sa kanilang magkakapatid upang di na sila muling magutom.
matandang babae
Isang karakter na nakilala ni Tulalang na nagturo sa kanya sa kinaroroonan ng isang higante na may ikinulong na dalaga.
unang higante
Isang higante na bumihag kay Macaranga
pangalawang higante
Higanteng nagtangkang pumigil sa sarimbar upang makapunta sa langit ang mga nasasakupan ni Tulalang
Sana ay nakatulong ang sagot ko na ito. Sa panahong ngayon, mahalagang magtulungan tayong mga estudyante sa pag-aaral upang lahat tayo ay makinabang at matuto. Sana ay makatulong ka rin sa iba sa pagbibigay ng tama at magalang na mga sagot.
Alam mo ba na pwede mong gamitin ang hashtag na #CARRYOLEARNING sa iyong mga sagot? Tuwing gagamitin mo ang hashtag na ito, nagdodonate ang Brainly ng piso upang makatulong sa ating mga doctor at nars dito sa Pilipinas sa paggagamot ng mga pasyenteng may COVID-19.
Comments
Post a Comment