Sinu Sino Ang Mga Tauhan Sa Kabanata 52 Baraha Ng Mga Patay Sa Noli Me Tangere?

Sinu sino ang mga tauhan sa kabanata 52 baraha ng mga patay sa noli me tangere?

Noli Me Tangere

Kabanata 52: Ang Baraha ng Patay at ang mga Anino

Mga Tauhan:

Elias - ang binatang may pilat sa mukha na makailang ulit ng iniligtas si Ibarra sa panganib bilang pagtanaw ng utang na loob ng minsan siyang iligats nito sa isang buwaya. Siya ay nakipagkita kay Lucas sa kabanatang ito upang ipabatid ang plano ni Ibarra na paglusob sa kwartel at sa simbahan.

Lucas - ang kapatid ng taong madilaw na nakiisa rin sa plano ni Ibarra ngunit may ibang pakay sa pagsali. Nais niya kasi na magkaroon ng pera mula sa pagkamatay ng kanyang kapatid ngunit walang ibinigay sa kanya si Padre Salvi at sinabihan pa siya na magpasalamat na lamang at hindi siya inihabla ni Ibarra sa pangungulit nito sa binata.

Crisostomo Ibarra - ang utak sa magaganap na paglusob. Sa kanya nagmula ang lahat ng mga armas na gagamitin sa naturang paglusob. Siya rin ang nag utos kay Elias na mangalap ng mga taong magsasagawa ng paglusob. Siya rin ang may pinaka matibay na dahilan upang naghiganti sa mga taliwas na gawain ng mga prayle.

Dalawang sibil - ang nakatakdang humuli kay Elias na natakasan naman sapagkat nagpanggap siya na may hinahabol na kunwari ay bumugbog sa kanyang kapatid.

Read more on

brainly.ph/question/517255

brainly.ph/question/288083

brainly.ph/question/545452


Comments

Popular posts from this blog

Anu Anong Bansa Ang Nagsagawa Ng Neokolonyalismo At Ano Ang Tunay Na Layunin Nila?

Pro Choice Halimbawa

Kabanata 42 Tauhan?