Saang Bahagi Inilagay Ang Paksa Ng Iyong Mensahe

Saang bahagi inilagay ang paksa ng iyong mensahe  

Bahagi kung saan inilalagay ang paksa ng iyong mensahe

Sa tuwing tayo ay nagpapadala ng electronic mail (o mas kilala sa tawag na email), ang bahagi kung saan inilalagay ang paksa ng ating mensahe ay sa Subject section o bahagi. Ang Subject ay tumutukoy kung tungkol saan ang kabuuan ng mensahe na iyong natanggap. Ang ilan pa sa mga bahagi ng email ay To (kung kanino mo ipapadala ng email), From (kung kanino ito galing) at Attachments, kung saan nagsasaad ng mga files na kalakip ng iyong mensahe.

Ang email ay isang mensaheng digital, kung saan kailangan mong gumamit ng computer at maging konektado sa internet upang makatanggap at makapagpadala ng mensahe sa iba pang gumagamit ng email. Di hamak na mas mabilis at mas madali ang pagpapadala at pagtanggap ng mensahe dahil sa email. Sa oras na ang iyong sulat o mensahe ay maipadala, ito ay matatanggap kaagad ng iyong pinatutungkulan ng mensahe. Matipid din ang pag gamit nito, dahil ang mga email ay kadalasan libre at hindi mo na kinakailangang maghintay ng matagal upang ito ay masagot. Maari ring gumamit ng cellphone o ibang electronic na gamit upang mabasa mo ang iyong mensahe.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa email, basahin ang mga sumusunod:

#LetsStudy


Comments

Popular posts from this blog

Anu Anong Bansa Ang Nagsagawa Ng Neokolonyalismo At Ano Ang Tunay Na Layunin Nila?

Pro Choice Halimbawa

Kabanata 42 Tauhan?