Mga Tauhan At Lugar Sa Noli Me Tangere Kabanata 18
Mga tauhan at lugar sa Noli Me Tangere Kabanata 18
Noli Me Tangere
Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap
Mga Tauhan:
Padre Salvi - ang kura ng bayan ng San Diego na matamlay ng araw na iyon matapos na siya ay makapag misa.
Manang Rufa - ang batang balo na nangunguna sa usapin ukol sa kung sino ang magbibigay ng sermon sa araw ng pista.
Manang Juana - ang isa sa mga tinanong ukol sa kung paano isinasagawa ang indulhensya plenarya.
Sisa - ang ina ng batang sakristan na si Crispin at nagtungo sa kumbento upang alamin ang nangyari sa anak.
Crispin - ang nawawalang bunsong anak ni Sisa na ayon sa tagapagluto ng kura ay nagtanan matapos na magnakaw ng dalawang onsa.
Manong at manang - ang mga naroroon sa kumbento na naghihintay ng desisyon ng kura kung sino ang itinalagang magbigay ng sermon sa araw ng pista.
Tagpuan:
Ang kabanatang ito ay naganap sa loob ng kumbento na kung saan naguusap usap ang mga manong at manang ukol sa kung sino ang magbibigay ng sermon sa araw ng pista. Sa lugar din ito nagtungo si Sisa upang makibalita sa kalagayan ng kanyang anak na si Crispin na ayon kay Basilio ay pinaiwan ng kura ng gabi na siya ay umuwi ng duguan ang ulo. Sa kumbento ding ito namamalagi sina Padre Salvi at iba pang mga pari.
Read more on
Comments
Post a Comment