Dahilan Kung Bakit Nabubulas Ang Isang Tao?

Dahilan kung bakit nabubulas ang isang tao?

Ang pambubulas (bullying) ay isang klase ng pananakit sa isang indibidwal sa paraang pisikal o pagbibitaw ng masasakit na salita na nagdudulot ng masamang epekto sa emosyonal na parte ng isa.

Maraming mga dahilan kung bakit nabubulas ang isang tao. Pero isa sa dahilan ay ang pagiging iba ng isang indibidwal mula sa ibang mga miyembro ng grupo. Maaaring naiiba ang biktima dahil sa kulay, tangkad, estado sa buhay, pinagmulan, hitsura at paniniwala nito sa kanila. Kadalasan, ang pagkakaiba ng isa't isa ang nagiging dahilan kung bakit nagkakaroon ng pambubulas. Kaya naman, ang isa na nabibiktima ng ganitong klase ng pagtrato ay nakakaramdam ng kawalang gana, stress, depresyon at pagbaba ng kumpiyansa sa sarili. May mga taong nabubulas sapagkat ang pananaw ng tao sa kanila ay mababa at hindi karapat dapat bigyan ng respeto. Maaari ding dahil ang mga taong nambubulas ay masyadong mataas ang tingin sa sarili at iniisip na sila ay malakas.

Nagkakaroon ng pambubulas sapagkat ang mga tao ay hindi marunong tumanggap ng pagkakaiba at masyadong mapagmataas. Sa halip na tanggapin ang pagkakaiba, mas ginagamit nila itong dahilan upang makapanakit lamang ng kapwa. At dahil nakikita ng isang nambubulas na mahina ang isang indibidwal, minsan, ginagamit niya lang ito upang magpasikat sa iba. Kaya naman, nabubulas ang isang tao lalo na kapag ito ay nagpapakita na siya ay mahina.


Comments

Popular posts from this blog

Anu Anong Bansa Ang Nagsagawa Ng Neokolonyalismo At Ano Ang Tunay Na Layunin Nila?

Pro Choice Halimbawa

Kabanata 42 Tauhan?