Ano Ang Buod Ng Florante At Laura Saknong 274 - 299 (Sulyap Ng Pagliyag)
Ano ang buod ng Florante at Laura saknong 274 - 299 (Sulyap ng Pagliyag)
Florante at Laura saknong 274 - 299 "Sulyap ng Pagliyag" (Buod)
Sina Florante, Briseo na kanyang ama, at Haring Linceo na hari ng Albanya ay sama-samang nag-upuan ayon sa salaysay ni Florante. Kanilang napag-usapan ang mga gagawin sa magaganap na digmaan upang ang Krotonang sinakop ng mga Moro ay palayain.
Nang si Florante ay isinalayasay ang kanyang mga karanasan noong nag-aral siya sa Atenas, nakita niya si Laura, ang anak ng Haring Linceo; labis niyang kinagigiliwan si Laura sa kanyang ganda, at agad siyang napaibig sa kanya dahil dito. Tila ang pag-ibig niya na isinaalang-alang para sa kanyang inang si Floresca ay inihahandog niya na rin kay Laura. Ang isip ni Florante ay gulong gulo sa kabanatang ito.
Karagdagang kaalaman:
Comments
Post a Comment